Celebrities: General
Celebrities: Philippines
A Very "Wickedmouth" Book by Glentot & Illustrated by Sir Mots
Sunday, March 23, 2014Traveliztera
If I get asked how I would describe Glentot and his Wickedmouth, I might end up rapping this part from Eminem's "The Real Slim Shady" song:
"I'm like a head trip to listen to, cause I'm only giving you things you joke about with your friends inside your living room. The only difference is I got the balls to say it in front of y'all and I don't gotta be false or sugarcoated at all."
I can still recall how I ended up on the official Wickedmouth blog around 4 years ago (wow, it has been THAT long!), and I was truly entertained.
Nakakaloka.
Just like Eminem, Glentot is able to broadcast to the world what you would probably keep to yourself, or among you and your friends. The only difference between Eminem and Glentot is...
...well, they're different.
Wahehehehehe.
Ibang klaseng blogger si Glentot. Siya yung tipong dapat may libro talaga para mapagpiyestahan ng mga taong hindi kadalasan nag-iinternet, at para naman may hard copy na tipong kung may mga museums sa future ng mga librong tumatalakay nga naman sa mga parte ng buhay na hindi laging nabo-broadcast, at nangbubuking ng mga sikretong hindi dapat mahuli (tipong Noli Me Tangere noong mga unang panahon), well, malamang kasama na ito roon sa "kaleksyehwn" (kung hindi mo na-gets, arte accent ko for "collection").
Syempre, WICKEDMOUTH nga 'di ba? Siyempre, medyo expected na kung anong nilalaman.
Maaaring sa iba, baka hindi nila ma-gets ("ma-gets" sa sense na bakit kelangang ganon 'yung libro LOL ako na malabo--payn) ang nilalaman kasi nga para siya sa audience na hindi mabilis ma-offend, pero batay naman sa mga nababasa kong reviews and reactions, napaka-positive ng pagtanggap ng madlang people sa librong ito.
Kasi nga, 'yung book na ito e malakas ang loob ilabas ang mga tinatagong katotohanan. May kalokohan, pero siyempre kung open-minded ka, mapupulutan mo naman ng aral talaga, na tipong matatawa ka nalang sa kakwelahan at sa katalinuhan ni Glentot sa pagsusulat.
Ang maganda pa sa librong ito ay may illustration! Patok ito lalo na sa mga taong mahilig sa picture books. Haha. Magaling si Sir Mots (kapwa blogger) sa kanyang pagguhit, kaya naman talagang mafi-feel mo ang content ng libro.
Ayokong i-spoil kung ano ang nilalaman ng libro. Sari-saring kwento sa iba't ibang aspeto ng buhay. 'Yun 'yon!
Lahat ng maaaring pagtawanan, mapagtatawanan sa librong ito. Maaaring noon eh may nangyari sa'yong nakakainis para sa'yo, pero kapag nakita mo ito sa mata ng ibang tao in an enlightened and humorous manner, matatawa ka nalang sa sarili mo. Kung sino man ang naging biktima ni Glen sa librong ito, siguro natatawa nalang na nakakatawa nga pala talaga 'yung sineryosong bagay noon. Ah basta. READ! Hehehe!
Ayokong i-spoil kung ano ang nilalaman ng libro. Sari-saring kwento sa iba't ibang aspeto ng buhay. 'Yun 'yon!
Lahat ng maaaring pagtawanan, mapagtatawanan sa librong ito. Maaaring noon eh may nangyari sa'yong nakakainis para sa'yo, pero kapag nakita mo ito sa mata ng ibang tao in an enlightened and humorous manner, matatawa ka nalang sa sarili mo. Kung sino man ang naging biktima ni Glen sa librong ito, siguro natatawa nalang na nakakatawa nga pala talaga 'yung sineryosong bagay noon. Ah basta. READ! Hehehe!
Once again, matalino and maayos ang pagkagawa tulad ng blog nya sa www.wickedmouth.com. Oo, kung nabitin ka sa libro tulad ko, huwag kang malungkot kasi may ilang years din ng naipong entries sa blog niya na pwede mong pagpuyatan.
Proud ako sa aking kaibigang si Glentot. Kahit na nung umuwi ako at tipong nasa building lang siya na y'know, like, a few blocks away at hindi kami nagkakitaan para man lang mapapirma ko yung librong pinaghirapan kong sadyain galing Australia, friend ko pa rin siya. HAHA. Pero at least may picture akong kasama siya noong 2010. Okay na 'yun. At pati na rin ang aming song collab, masaya na ako. Baka di pa matuloy dahil super sikat ka na! Nuxxx! Haha!
Oo, siya 'yung Glen na kasama ko rito noong 2010:
Siya rin ang nag-compose nitong kantang ito kasama ang sikat nyang friend na nasa libro niya rin na si Khikhi, na pinost ko noong 2011 sa blog at Youtube ko:
Congrats Glen! Kasama ang libro ni Glentot sa Top 10 Bestsellers ng National Bookstore para sa local authors.
Na-feature na rin ang libro nya sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN! Honggoleng!
Ang mga litrato ay galing kay Kuya Chingoy na isa sa mga taong nag-push kay Glentot sa kanyang pangarap:
Galing sa pesbook ni Glentot. |
May book signing pa sya na tipong a day after ko umalis ng Pilipinas. Gee, thanks a bunch Glen! :P Iwas na iwas ka masyado! Haha! Joke lang!
Congrats again!
Actually, may video pa kung paano ko hinanap 'yung libro. Pero nahiya na ako i-post dahil sa commentaries ko haha! Una kong pinuntahan 'yung Philippine Fiction area dahil nakita ko 'yung mga libro nina Bob Ong doon. Tapos wala. So naglalakad ako. Napadaan ako sa Inspirational. Baka naman kasi andun. Wahehehehe. Eh wala. So katapat niya yung Humour. Ayun! So ipopost ko nalang 'yung finding moment ko haha!
2 Travelers with Comments. Click to comment!
yehey may libro ka na ni Glenn!!!!
ReplyDeleteHaha baliw ka Steph mas baliw ka pa sa akin. Pinanood ko yug video at sa sobrang suspense eh kinabahan ako na baka di mo mahanap yung book LOL. Mas kinabahan pa ko keysa nung ako mismo naghahanap sa bookstore for the first time haha. Thank you for this post Steph! Pangatlong dedicated post mo na to for me ah!!! LOLjk salamat!!!!!!!!!!! PS next time kita na talaga tayo! lol
ReplyDeleteFeel free to leave your thoughts!
Don't forget to click "SUBSCRIBE BY EMAIL" below the comment box to get notified if you received any replies from other commenters.