![]() |
my first banner ever |
Sa totoo lang, matagal ko na tong sinasabi kay Glentot. Bago dumating si Traveliztera, iba ang naging palayaw ko sa mundo ng blogosperyo. Circa Greenpinoy (hindi na gumagana blog niya... =( ) ako. Kumbaga, ka-batch ko sina Gasul. Sa totoo lang, Tagalog ako magsalita sa mga blogs ko dati. Oo, matagal na ako sa mundo na ito (Malamang! Matagal na akong ipinanganak e. Haha!). Okay, seryoso na. Matagal na akong nagbablog. Syempre nawala na yung mga dating blogs kasi natalo na ng ibang blog hosts 'yung mga dating ginagamit na pang-blog. Gusto ko man hukayin sila para pagtawanan ang iba't ibang naging tono ng pananalita ko sa sa mga blogs ko, hindi kaya ng powers ko. Naaalala ko pa naman kung anong laman nila. Natatawa pa rin ako. Gusto niyo malaman?
1. Blog banner na Orlando Bloom. Animated pa yan.
2. Highschool Yabangan (Those were the days na lahat nag-co-compete. Nasa Psychosocial Developmental Stages 'yan.)
3. Mababaw na reklamo tungkol sa mga partners sa Thesis na di gumagawa.
4. Mga blog links na may kinalaman kay Orlando Bloom.
ex. Imbis na "Comments", nakalagay "Arrows"... Arrows kasi di ba nga, Legolas?
5. Mga achievements.
6. Mga pictures na dapat ibaon na.
7. Mga short stories tungkol kay Orlando Bloom.
8. Hindi nawala ang mga travel posts pero iba lang ang tono ng mga sinulat ko. Typical teenager. Haha!
9. Mga pangarap na nais abutin--tulad nang pagkikita namin ni Orlando Bloom.
![]() |
kami kasi e. |
Kung iisipin, parang walang nagbago sa mga nilalagay ko (puro Orlando Bloom? click mo toh para maliwanagan). Nag-English lang ako at mas naging maingat sa pagpili ng mga salita. Formal kumbaga. Tatlong taon ako nag-blog simula noong 14 years old ako (pero may unpublished blogs ako noong 12 pa lang ako). Nawala ng dalawang taon, pero nakilala ko si Greenpinoy, at nabuhay na naman ang loob na mag-blog. Syempre nag-iba na ang naging laman ng blog ko. Tipong Wowie at Juday tsaka ipis.
Pinakawalang kwenta talaga yung last blog ko nung circa Gasul ako. 19 years old ako non e. Busy sa pag-aaral. Okay yung umpisa kaso nawalan ng oras. Matatawa ka nalang na dumating sa punto na yung blog post ko e tungkol sa paghingi ng suggestions mula sa readers ko tungkol sa isusulat ko. Desperado. Haha! Tinext pa ako nina Gasul at Chie noon para lang sabihing nakakatawa 'yung pinost ko. Napressure ako eh. Lahat ba naman ng ka-blog ko e sinasabihan akong "Magpost ka naman!" O yan. Haha! Tapos nawala na ulit ako.
Dumating ang panahon na grumadweyt na ako. Na-miss ko pagbablog. Gumawa ako ng bagong blog. Tadahhhh TRAVELIZTERA it is!
![]() |
sumunod na banner |
![]() |
"anonymous" HAHAHA! |
Gusto ko lang kasi magkwento ng mga "misadventures" (click mo kung gustong makakita ng kadiri) ko sa paglalakwatsa tulad ni Dora the Explorer. Laging may bloopers e. Kaso ginawa kong pormal ang pagkwento kasi nga 'yun gusto ko. Kaso... wow sabaw--150 lbs. na ako no'n! Na-engganyo akong magpapayat. Naiba ang tema ng blog ko para mamonitor ko sarili ko. Ayon. Nagkaroon ng motivation maging healthy dahil sa mga sumusubaybay (click kung gusto makita ano nangyari). Syempre ayaw mo naman sila biguin kasi nga gusto mo ring magbigay ng inspirasyon at pag-asa na may bukas pa.
Ayun lang. Namiss ko mag-blog ng Tagalog. Corny kasi yung jokes ko pag naka-English. Wala namang joke sa post na toh. Huwag mo nang hanapin baka mapahiya lang ako.
=)
Miss you guys! Kung trip niyo ganito tono ng blog ko, hayaan niyo... Special kayo sa'kin kaya may mga ganitong singet minsan. =p
Salamat sa mga naging kaibigan ko rito! :)