HUMOR: General Personal

Huli Ka! Security Alarm Na Naman!

Thursday, September 08, 2011Traveliztera

Pamilyar ba ito sa inyo?

via wzeas168.en.b2b168.com


Oh yes... Oh yes, Ned... Kaibigan mo lang ako...(Pasensya... Fan kasi ako ni Bujoy a.k.a. Jolina Magdangal tsaka ni Ned ak.a. Marvin Agustin... Hindi mo alam kung saang pelikula yan? HINDI NGA!? Panoorin mo ang bidyo sa ilalim nito...)



So nasaan na ba ako? Pasensya talaga a! Pan na pan kasi ako nila eh. Kilig. Ayun. Security alarms sa mga shops tulad ng Bench, Kamiseta, Marks & Spencer, Mango, Zara, at Ukay-ukay. Kadalasan sira sila--laging tumutunog kahit walang dumadaan (unless may mumung magnanakaw.) Hindi mo lang yan makikita sa mga ganyang shops sapagkat meron din sa airport! Syempre hindi mawawala 'yun. 

Ngayon, ang tanong... 

Ilang beses na 'yan tumunog sa'yo kahit na wala ka namang binili o kinuha? Minsan, papasok ka pa lang eh tumutunog na--parang gustong sabihin sa'yo na "HOY EXCUSE ME BAWAL ANG MGA TAONG TULAD MO RITO DAHIL MUKHA KANG MAGNANAKAW!" ? 

Ako. Ako. Lagi nalang ako. Laging tumutunog sa'kin mga yan, kahit sa airport. Nakakakaba nga eh. Dati iniisip kong baka braces ko lang 'yung dahilan ng pagtunog ng mga detector. Nung tinanggal na braces ko, wala na ang alibi ko. Alam ko naman na minsan eh parang may PMS 'yung mga alarm na 'yan. Baka mataas lang sensitivity niya sa mga radiation waves o ano mang umaalingasaw sa katawan. Dumadating sa point na kapag pumasok ako sa shop at tumunog na agad 'yung alarm, sinasabi ko sa sarili ko na dapat lumabas akong may nabili para wala nang masabi.

Kanina pumasok ako sa isang sports shop. Hindi naman tumunog 'yung alarm nila. Lumabas din akong may bitbit at hindi pa rin tumunog. Nung pumasok na ako sa grocery, nagbabayad na ako at anlakas pa ng loob ko na tumabi sa security guard. Syempre confident akong hindi naman ako masamang tao. Nagbabayad ako sa tabi ng guard at nang palabas na ako sa alarm na katabi ng guard...

TOOT TOOT TOOT TOOT!

ANSAKIT LANG SA TENGA. ANSAKIT GRABE. TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT! 

"Grabe ka namang manghusga security alarm! Kita mo nang may bitbit na ako o. Kita mong nagbayad na ako o! Ang yabang mo naman! Akala mo ikaw batas?!" 

Hahahaha. Pero syempre tahimik lang ako. Sabi ni guard sige daan na ako kasi nakita naman nyang mabait akong tao. Tapos pumasok ako sa shop na kaharap lang ng grocery.

TOOT TOOT TOOT TOOT!

ARAY lang. ARAY. Tumingin lahat sa akin. "Excuse me lang po, kapapasok ko lang po." Dahil tumunog na yung alarm, sinabi ko sa sarili ko na HINDI AKO LALABAS NANG WALANG NABIBILI KAHIT ISANG BAGAY.

Ayun... Lumabas akong may nabiling tatlong bagay. Grabe. Yan na siguro uso ngayon--gamitin ang alarm para mapilitan nalang bumili 'yung mga customers. Hahahaha. Anyway, pagkabayad ko, lumabas ako nang sobrang bilis ng shop at pumikit, humihiling na sana hindi tumunog.

TOOT TOOT TOOT TOOT!

Napatingin sila. Napatingin pati 'yung guard dun sa grocery na pinanggalingan ko kanina. HINDEH. HINDI NYO AKO MAPAPABILI. TUMIGIL KAYO!

Binilisan ko ang lakad ko para ayusin ang mga pinamili ko dahil naparami. Nahulog ako sa kapangyarihan ng mahiwagang alarm system. Naloko niya ako. Nilinlang! ... Nah... Gusto ko rin naman mga pinamili ko haha! 

Nang inayos ko na mga pinamili ko para ipasok sa backpack ko, nakita ko na yung binili ko kanina sa sports shop ay may magic hangers na may nakadikit na pang-alarm sa detectors. HAYNAKO. Hindi nya tinanggal! Kahit na hindi na siya nadetect ng sarili nilang sports shop, nadetect naman siya ng halos lahat ng shops na pinasukan ko. 


Sa babaeng nag-pack ng mga pinamili ko sa sports shop, LUGI KAYO. Mas napabili ako ron sa mga nagpa-alarm ng iba't ibang security system dahil sa hanger at detector ninyo. Harharhar. =p

You Might Also Like

20 Travelers with Comments. Click to comment!

  1. haha! wawa ka naman :P kasi naman...si hangers hehe I was fortunate enough to have live coverage of this event :P
    Answer to your question: before nung may screws ung knee ko, TOOT TOOT TOOT! pero I felt special pag nagbbeep kasi feeling ko cool ako ...Iron man! :D Security guards everywheree...so annoying >.< haha..anywaysss.baka nga yun ang bagong style ng shops...alarm=have to buy. hehe TOOT TOOT :P

    ReplyDelete
  2. nyaha! na experience ko din yan minsan badtrip nga yan, lalu na yung mga saleslady na pinagtatanungan ko eh i-isnobin lang ako tapos titignan ako na akala mo eh muka akong walang pera.. parang aapakan yung EGO ko.. ayun! at dahil ayaw ko magpa apak bibili ako ng item : )

    diko nga alam kung marketing strategy nila yun oh ano eh hehe..

    ReplyDelete
  3. i don't understand this. trolololololol.

    ReplyDelete
  4. ako dati sa odyssey at national bookstore pa ko nabiktima nyang mga alarm detector heheheh

    ReplyDelete
  5. baka naman may kinuha ka talaga, aminin mo na, tayo tayo lang naman e. lol

    ReplyDelete
  6. Hahahaha. Nice post! naexperience ko na rin yan, super kabadtrip. naka uniform pa man din ako. Bumili ako sa bench, di tinanggal ng cashier yung metal thingy, hinarang ako nung guard pag labas! Super badtrip lang.

    ReplyDelete
  7. Di ko pa naranasan yang toot toot toot na yan after pumasok sa isang store. Hind ko lang alam kung anong gagawin ko pag nangyari yan. Pano ba? Siguro balik ako sa cashier or tapon ko kay manong guard ang binili ko, sabay sigaw, may bomba ata yang pinamili ko eh. Hahaha! Adikan lang!

    ReplyDelete
  8. Na-experience ko to sa isang botique! Natakot ako baka kako may nag lagay sa bag ko ng item nila. haha!

    ReplyDelete
  9. ok lang sana yung tutunog e, pero yung pagtitinginan ka pa? the shameeee... nangyare na saken yan e.

    ang sakit. ang ganda pa naman ng suot ko nun. haha! miss you!

    ReplyDelete
  10. Harharhar!! ang yaman naman ni Stephie.. hehe.. daming pinamili. lols.

    Napahagikhik ako dun sa part na nagbayad ka talaga sa tabi ng guard, tapos paglabas mo.. TOOT! TOOT! haha!! kalokah.. :P

    Eh lugi talag yung sports shop.. dun sa sunod mong pinasukan, dami mo nang pinamili. BLEH na lang sa kanila. haha!

    Ako, hindi pa nabibiktima ng alarm system churva na yan.. hehe.. swerte ko. hihi.

    ReplyDelete
  11. hello po.. kumusta po? maganda ang blog mo.. wanna exinks?

    ReplyDelete
  12. hello po.. visiting here.. nice site.

    ReplyDelete
  13. Waw, nag-blog you ng Tagalog ... Its yu olreydi! Tangangers lang iyong nag-pack ng binili mo, dapat sa kanya nilulublob sa kumukulong tubig ... :D

    ReplyDelete
  14. kala ko naligaw ako dahil tagaleg ang post ni miss ganda hehe....
    toooot toooott,,,,nabiktma din ako nyan dati haha..kakahiya!!!ng 10 seconds lol~
    musta ms hyper?

    ReplyDelete
  15. Consciously, dinadama ko ang mga security bars na yan tuwing lalabas ako sa Bench! Feeling ko kasi baka may biglang may maglagay sa bulsa ko o sa bag ko ng kung ano, at mapagbintangan ako! Hahaha.

    I'm a paranoid. :)

    ReplyDelete
  16. Hahahahaha! Blog moment! Tsk tsk tsk paano kung naisip ng guard tignan ang laman ng bag mo, mahaba-habang paliwanagan yun haha.

    I like your new header...

    ReplyDelete
  17. hehe hassle naman yan!
    nangyari na po yata sakin yan pero hindi ko talaga alam kung bakit

    http://kcatwoman.blogspot.com/

    ReplyDelete
  18. that new banner is really nice. it speaks to me. did you make that?

    ReplyDelete
  19. bwahahahahaha, kala kaya tumutunog kasi maganda ka, toinkz walang kunek eh noh? hahahaha... ikaw talga bujoy

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  20. hello! the most beautiful and talented blogger! ang nice ng video nyu ni suhsi.. ( nakita lang yung name.. hehe ) and he is cute! ahahahaha

    ReplyDelete

Feel free to leave your thoughts!

Don't forget to click "SUBSCRIBE BY EMAIL" below the comment box to get notified if you received any replies from other commenters.


Australian Women Bloggers Directory by Blog Chicks

Personal - Top Blogs Philippines

MAGPALISTA NA!