Celebrities: Philippines PHILIPPINES: General

DOBLE KARA: THEORY ABOUT ALEX

Monday, January 02, 2017Traveliztera

May bago na akong paboritong teleserye. Hindi na Walking Dead. Well andyan siya sa side, pero pinakabida ngayon sa buhay ko ay ang DOBLE KARA.


Nakadalawang taon na 'yung teleserye, pero nakatutok na ako lalo. So medyo mahilig kasi ako gumawa ng theories sa storyline, and hindi ko alam kung may nakapag-isip na rin nito kasi hindi ako makakita ng forum para sa Doble Kara, pero naisip niyo rin ba kung sino si Alex?


CREDIT: ABS-CBN


Medyo intense 'yung recent episodes. Nalaman natin na hindi pala tunay na kapatid ni Papa Seb (Sam Milby) si Alex (Maxene Magalona). In fairness, galing ng acting ni Maxene, kasi talagang naiinis ako kay Alex!  


CREDIT: ABS-CBN



Anyway, andaming nainis na may bagong storyline na naman para mapahaba 'yung story. Pero okay na rin, kasi naisip ko na bakit nila napasok 'yung storyline na 'yun.

Matagal ko na ring hindi nagegets bakit may background story 'yung SPO Arellano na continuously binibring up. Akala mo kasi extra lang siya na nag iinvestigate. Nung umpisa, syempre iisipin mo, importante 'yung background story niya para may dahilan bakit obsessed siya sa case ng nakidnap na anak ni Kara (Julia Montes). Ngayon, mukhang mas may dahilan na bakit siya obsessed sa case.


CREDIT: ABS-CBN

Nang pinakita 'yung picture ng isang bata sa desk ni SPO para iremind ulit tayo na nakidnap anak niya noong bata palang siya at never nang nakita, doon na nag click sa'kin na ang nakidnap nyang anak ay none other than...




ME.

Joke.

ALEX!!!

CREDIT: ABS-CBN


Tama ba ako? Tama ba ako!? 

Hindi pa nirereveal, pero feeling ko doon magkakaroon ng conflict kasi sarili niyang anak 'yung kelangan niyang ihuli at ipakulong.

O di ba!? O di ba!?

So pustahan nalang tayo. Unless mabasa ito ng writers nila tapos baguhin ulit nila para lang maprove akong mali. Hahahahaha!

I shall return after the big reveal.

You Might Also Like

0 Travelers with Comments. Click to comment!

Feel free to leave your thoughts!

Don't forget to click "SUBSCRIBE BY EMAIL" below the comment box to get notified if you received any replies from other commenters.


Australian Women Bloggers Directory by Blog Chicks

Personal - Top Blogs Philippines

MAGPALISTA NA!