featured
HUMOR: General
10 REASONS WHY NURSING CLINICALS ARE MORE FUN (& Stressful) IN THE PHILIPPINES
Saturday, April 04, 2015Traveliztera
Iba talaga kapag nag-"Nursing" ka sa Pinas. Iba ang saya. Iba ang trip. Iba ang stress.
Pero syempre, 'pag nasa "Hello real world!" na kayo, mamimiss niyo 'yung mga bagay na nagpa-stress sa inyo pero nakakatawa pala talaga siya.
In fairness, narealize ko na nakakatuwa magkaroon ng ganitong disiplina. Hanggang ngayon dala-dala ko pa 'yung ibang natutunan ko dati.
Andami pong nars! |
Okay. Eto na ang 10 THINGS BAKIT STRESSFULLY FUN ANG NURSING CLINICALS IN THE PHILIPPINES ko noong kapanahunan ko:
1. WHITE SHOES TIPS & TRICKS
Kapag hindi malinis o maputi 'yung shoes mo, hala ka!
Kaya sa bawat duty, lagi kaming may portable tools para naman prepared lagi kapag biglang nadumihan 'yung shoes habang nagduduty. Tipong hindi mo naman kasalanang natalamsikan ng betadine 'yung white shoes mo, or sadyang maalikabok lang talaga sa hospital na pinagdudutyhan mo.
Or worse, baha bago ka pumasok sa hospital. Hala.
Well, do not fret! Captain Kiwi will face the threat!
My shoes' best friend. CREDIT: Google Images |
- May Kiwi White shoe polish ako noon (libreng promo!).
- May liquid paper 'yung iba.
- May white paint 'yung iba.
2. THE PERFECT WHITE CAP
One word: gawgaw (cornstarch). Shoutout nga pala kay Gen U. na may flyers sa dressing room ng mga nurses dati para ipromote 'yung nurse cap service nya. Ang ganda ng pagkagawa!
Ang cap dapat white. Also, dapat perfect 'yung form niya. Again, the magic word is: GAWGAW.
In addition, dapat naka-hairpin nang maayos 'yan. Kapag pinitik yan at nahulog, o hala ka! Kapag pipitikin na 'yung cap ko, pumipikit ako at napapadasal na sana hindi mahulog. Nakakastress kaya!
Eto nga pala nakita ko sa Youtube. Baka makatulong sa inyo.
Credit: abbhieislove
3. THE PERFECT HAIR
- Bawal ang may kulay ang buhok. Kung magpapakulay ka, dapat tipong super dark brown, masabi mo lang sa friend mo na nagpakulay ka!
- Bawal magpa-skinhead mga lalake. Bawal din long hair ang lalake. May certain cut kayo eh.
- Super clean cut po, boys. Tanggalin mo 'yang balbas at bigote mo.
- Girls, huwag gumamit ng makulay na hair accessories. Dapat neutral lang.
- "Pakitali lang po 'yung buhok." Warning message ng mga tagahuli.
- Make sure walang lumilipad na strand ng hair mo habang nakatali. Malamang may bank ka ng hairpins at hairsprays.
- HAIR BUN IN A NET. Black hair net lang po.
4. DAPAT KUMPLETO GAMIT MO
Naalala ko pinapapila kami in a row at isa-isa kaming chineck. Dapat kumpleto guys. Ilan lang ito sa chinecheck:
5. PAPERWORKS BY HEART- Pencil. TAKE NOTE: DAPAT MAY ERASER. One time pudpod na 'yung eraser ng Mongol pencil ko. Hinanap nasaan daw eraser ko. Haha! Naghati kami ng ka-duty ko sa eraser niya. Hinati namin kahit ang liit na ng eraser, basta may maipakita ako!
- Ruler
- 3-Inked Pen-- IMPORTANTENG MAY RED PEN.
- Watch-- Dapat neutral color. At dapat umaandar. May nahuli na dati na hindi umaandar 'yung relo. Ayun. Alam mo na.
- Stethoscope
- Blood Pressure Monitor-- Dapat naka-calibrate raw.
- Cotton balls at canisters ng vinegar, coffee, at kung ano2x 'pang SMELL ASSESSMENT -- Naalala ko nag amoy suka 'yung bag ko kasi natapon 'yung vinegar. Yehey!
- Thermometer-- Bawal electronic!!!
- Penlight -- Ipapapindot 'yan sa'yo at kapag hindi 'yan umilaw, well, alam na.
- Scissors
- Tuning Fork
- Buck Hammer
- OFFICIAL AFFILIATION BAG
Well, depende ito kung sino C.I. mo. Lagi akong natatapat sa C.I. na dapat sa first day ng duty, na-assess ko na 'yung patient at nakuha ko na 'yung mga lab. results nila.
Magpupuyat ako hanggang 3:00 AM para makagawa ng Assessment Data, Nursing Diagnosis, Nursing Care Plan, Drug Analysis, and Lab Analysis.
Sa second day ng duty, dapat masubmit mo na karamihan dito at dapat namemorize mo na 'yung drugs in terms of GENERIC NAME, INDICATION, CONTRAINDICATION, and NURSING INTERVENTIONS. 'Yun lang naman. Ipaparecite sa'yo 'yan sa second day. Ipapa-analyze pa sa'yo 'yung Lab Results kaya dapat alam mo ano ang indication ng results nila.
BIGGEST PROBLEM NG MORNING SHIFT NURSES: Nasira printer at 3:00AM. Papasok ka ng 5:00AM. SAANG PRINTER SHOP KA MAGPAPAPRINT!? Halaaaa.
Simple noh? Actually, to be honest, naappreciate ko ito. Tandang-tanda ko 'yung mga moments na 'yun kaya by heart ko na alam 'yung mga naencounter kong cases noon. Naks. Advantage ang training na ito! Or baka natrauma lang ako. Joke lang. Pero nakakatakot kaya!!! Natakot kayo di ba!? Parang intense interrogation kaya 'yun!
6. SOAPIE/NANDA IS MY BESTFRIEND
Actually, dito ako natuto maghanap ng super complicated na patient. Nung una puro madadali gusto namin. Tapos wala na kaming maisip na nursing diagnosis. Ayun, hanap na ng mahirap!
STRESSFUL KAYA MAGHANAP NG PROBLEMA SA SIMPLENG PATIENT NA MALAPIT NA RIN UMUWI KASI OKAY NA SIYA! Haha!
"Hindeh! May problema 'yan sigurado!"
Kaya kapag okay na sila, siguro masasabi ko nalang is "Readiness for enhanced comfort". Hahaha!
7. MAKEUP IS A MUST
Hindi naman dapat party-party 'yung makeup. Dapat presentable lang. Dito ako natuto magmakeup. Kaso may nagregalo sa'kin sa debut ko (Hi Carol!) na shining, shimmering, splendid na eye makeup, kaya ayun, kumikislap ako habang nasa Surgical Ward.
Oo. Hindi pwedeng naka-earrings kapag nagduduty. Hanggang ngayon, gano'n pa rin ako kahit na naka-"chandelier" earrings na 'yung mga nakikita ko rito.
9. THE UNIFORM
- BOYS - Dapat nakabutones yan nang maayos. Or else may fine ka sa council kapag nahuli ka. Also, dapat may t-shirt ka sa loob ng polo mong sobrang puti. The end.
- GIRLS- Make sure lang po na may sando at half slip kayong puti. Also, dapat solid na makapal na white stockings yan at hindi medyo transparent white. May recommended white stockings sa SM. Bili ka ron. Shoes po huwag masyadong flat at huwag din po masyadong matakong.
- THE NAME BADGE- Dapat meron ka. Kapag nawala mo 'yan, ay hala, stressful! Dapat tama rin placement nyan sa uniform mo. Depende sa uniform. Minsan nasa gitna ng collar and minsan nasa isang side lang. 'Yung iba nagpapagawa raw sa Recto para mabilisan kapag nawala.
10. 'WAG MAGDALA NG PHONE
Takot na takot ako dito dati eh. Nakakatakot kapag may random search. So... Kamusta naman ang pagtatago ninyong mga pasaway?!? Haha!
Ayun. Tapos na po ang listahan. Hindi ko alam kung hanggang ngayon eh ganito pa rin. Anyway, nagpapasalamat po ako sa training na nakuha namin. Hanggang ngayon eh dala-dala pa rin namin ang pagkaparanoid kung okay ba ang pagkakapresent namin sa sarili namin. Hindi lang sa uniform a. Pati na rin sa nursing practice. Naks.
SHOUTOUT sa B12 group na andaming naging bloopers during clinicals!
Nique, Anakat, Aura, Vicki, Robin, AJ, Ncx, Gi, Ria, Tiana, & Bebe.
1 Travelers with Comments. Click to comment!
Batch 2007-2008 ba? :)
ReplyDeleteFeel free to leave your thoughts!
Don't forget to click "SUBSCRIBE BY EMAIL" below the comment box to get notified if you received any replies from other commenters.