CELEBRITIES: Music
Celebrities: Philippines
Top 10 Senti Pinoy Songs (90s-2000s)
Tuesday, July 01, 2014Traveliztera
Senti mode.
May mga kantang tumatak na talaga sa puso't isipan natin. Ito 'yung mga kantang isinulat at kinanta ng kapwa nating Pinoy, na talaga nga namang nakakahugot sa mga nag-se-senti sa atin.
Ito ang secret recipe: senti.
Ang listahan kong ito ay mga kantang kinalakihan ko dahil mahilig lang talaga akong manood ng Cinema One/Pinoy Blockbuster Channel/Pinoy Box Office movies, at ito ang mga ginagamit nilang kanta. Wahehehehe.
At kahit bata pa ako noon, kahit hindi ako makarelate, tumatatak talaga sa akin ang mga kantang ito.
Childhood songs ko kumbaga. May mga kanta rito na siguro 7 years old pa lang ako no'n, pero dahil sikat na sikat, naging favorite ko na rin.
O siya... Eto na ang listahan ng mga memorable OPM songs sa aking 90s (and early 2000s) timeline!
10) STUPID LOVE by SALBAKUTA
Ahhh... Isa sa paborito kong kanta. Thanks sa Vid-Ok Hit Chart na Countdown (Araw-Gabi Sing Along Party na onga pala eh Myx na ngayon), napapanood ko ito habang naghihintay sa Westlife. A mix of Barbra Streisand's Evergreen and Pinoy rap. Angas!
Story? Niloloko ni girl ang Salbakuta boys. Naaliw pa rin ako sa kantang ito. Ito 'yung nagpasikat sa kanila. Intro pa lang, may dating na. Angas kaya ng tambol--tambol talaga? Kaya sa manlolokong girl, ugali mo'y nakakashrink. Bye bye.
RIP Nasty Mac
Nagamit ang kantang ito sa isang pelikula ni Michael V. Naalala ko pa na niyaya ko 'yung kasambahay namin sa day off niya para isama niya ako na manood ng movie na 'yun. Paborito ko itong kantang toh noon kasi nakakatawa 'yung music video. 'Yung video lang naman. Pero malungkot ang kanta. Then again, medyo may humor 'yung lyrics, pero 'yung overall meaning ay deep and full of pain.
Story? Sinaktan niya ang puso ni Michael V. Binuhusan pa ng acid 'yung puso niya. Mean. How can you do that to my idol Bitoy, gurl!?
8) HALAGA by Parokya ni Edgar
Maraming kanta 'yung Parokya ni Edgar noon. Gusto ko rin isali rito 'yung "Picha Pie", pero mas tumatak ito sa'kin dahil kasama siya sa nakalaban ng Westlife sa Vid-Ok Countdown noon. Dahil lagi ko itong napapanood habang hinihintay ko 'yung Westlife, nagustuhan ko na rin ito. O di ba.
So ano ang story? Isipin mo nalang na may mag bestfriend na girl and boy. Si girl, may boyfriend na hindi siya pinapasaya. Nakikita ng bestfriend niyang boy ito at pinapayuhan niya lagi si girl, hanggang sa mahal na pala niya talaga si girl. Nalulungkot siya na "binabasura lang ng iba ang siyang pinapangarap niya."
7) PAGDATING NG PANAHON by Aiza Seguerra
Nagulat ang lahat nang bumalik si Aiza officially. Parang Charice comeback lang, pero mas maraming nagreact kay Charice kasi matagal na siya sa music scene, pero nag iba lang ng image. Si Aiza, more on the fact na bumalik siya as a recording artist. Na-amaze ako sa super gentle song niyang ito. Maiiyak ka sa pagiging soothing ng voice niya. I lovett kahit na obsessed fan ako ng Westlife dati, tapos kapag 'yung Vid-Ok nagka-countdown tapos natatalo ni Aiza 'yung Westlife, medyo naiinis ako, pero ang ganda pa rin naman nga talaga ng kanta ni Aiza kaya napaisip akong deserving naman siya sa Top 1 tapos Top 2 lang Westlife. Hahaha!
So ano ang story? Pagdating ng panahon, baka maging kayo rin. Naghihintay kang mahalin ka niya, pero darating din ang panahon na baka maging kayo. Baka. Kayo. Baka lang naman...
Sinong hindi may alam ng kantang ito!? Classic na ito sa buhay ng mga Pinoy. Nagamit na rin siya sa mga movies at commercials. Laging kinocover at nacover na rin ito ng banda ko noong highschool. A tragic story of a man na may feelings sa childhood friend niya na after years of not being able to see each other, nauwi sa malungkot na kapalaran ang iniibig niyang babae.
Nonetheless, astig talaga forever ng kantang ito. Ang ganda ng rhythm at pagkacompose. Chillax na mabigat pa rin.
Pwede ring McDonald's First Love commercial mode.
Again, niyaya ko ang kasambahay namin manood ng movie ni Juday at Wowie na "Muling Ibalik ang Tamis ng Pag-Ibig". Ito 'yung theme song nung movie.
Basically, nag-break tapos namiss ni guy si girl. Sayang naman 'yung pinagsamahan nila kaya gusto niya sanang ibalik ang tamis ng pag-ibig nila. Straightforward.
Kanta ng mga "nanghihinayang" sa pinagsamahan nila (which will lead us later to a kinda familiar song).
4) KAPAG AKO AY NAGMAHAL by Jolina Magdangal
"And I'm so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend..." Jolina's famous line.
Ito 'yung kanta sa movie nila na ginaya ko (click mo ito).
So basically, ang story ng kanta e handang mag-sacrifice si girl kahit masaktan man siya, dahil gano'n siya magmahal. Lahat ibibigay niya! Medyo friends sila nung case nung susunod na kanta.
Marvin, take the risk of loving your best friend! Love na love ka niya o. Takot ka masira ang friendship? Love is all about taking risks, and love based on a good friendship is what makes the world go 'round. Chos.
Ito ang kanta ng isang martyr. Ito ang kanta ng mga nagmumukhang tanga na pero mahal pa rin nila ang kasintahan nila. Okay lang daw. Kahit na niloloko na raw sila at masakit na, okay lang-- dahil mahal na mahal nila ang taong nakakasakit na ng damdamin nila. Gagawin niya ang lahat, pangako mo lang na hindi mo siya iiwan. Hay. Mahirap na kaso ito, pero may mga tao talagang ipaglalaban ang pagmamahal. Di ba Angel Locsin, Maja Salvador, at Jericho Rosales?
Theme song ito ng movie, na may same title ng kanta, nina Claudine at Rico (RIP). Maganda 'yung pelikula. Napabili rin ako nung mga text cards ng mga artista noon sa bakery (at meron din ako nung kena Juday at Wowie). Dahil mahal na mahal ni Claudine si Rico, nagbago siya at ginawa niya ang lahat para sa kanya, pero nasaktan lang siya nung huli, na medyo naayos naman. 'Yun nga lang, at least walang lokohang nangyari. Lokohan sa sense siguro na sinet-up ni Lailani at Diether si Claudine, pero wala namang siraan ng loyalty.
2) NANGHIHINAYANG by Jeremiah
YES! Paborito ko toh dahil love ko ang Jeremiah. Nakakaaliw ang mga boyband shots nila sa music videos nila with swaying and snapping of fingers pa. Chuwariwap.
Anyway, nagamit na itong kantang ito sa movie nina Jolina at Marvin sa "Labs Kita, Okey Ka Lang?" pati na rin sa "One More Chance".
Nanghihinayang ang kumakanta sa love na nawala dahil sa pagkakamali niya. Ayun. Gusto niya ring "muling ibalik ang tamis ng pag-ibig". Napansin ko lang na sa kantang ito, umulit yung isang stanza. Haha. Pero awesome pa rin.
Ginawa ko rin siyang theme song ng music video kong ito:
Ginawa ko rin siyang theme song ng music video kong ito:
1) DI KO KAYANG TANGGAPIN by April Boy Regino
Forever sweetheart! May matching actions and cap distribution! Fave ko ito and malamang naging fave niyo rin ito. Pinakasikat niyang kanta ito.
Anong story? Hindi niya matanggap na mawawala na ang minamahal niya. Masakit at hindi niya kayang tanggapin... *Crosses arms over her shaking head with stomping of feet*
Mahapdi rin daw at kumikirot puso niya dahil ayaw mo na sa kanya eh kahapon lamang okay pa kayo. Again, mean. Si Michael V. binuhusan ng acid 'yung heart tapos ito kumikirot na. Mean mo talaga girl!
---
So ano ang common denominator ng mga kantang ito?
Mga kwento ng madamdaming pag-ibig.
Pinaasa. Umasa. Umibig sa alam niyang hindi siya mamahalin. Ibinibigay ang lahat ng pagmamahal na makakaya. Umibig sa manloloko. Iniwan. Nanghihinayang sa nawala. Gustong ibalik ang nakaraan. Nasawi.
SENTI.
NABITIN KA BA? BASAHIN ANG PART 2! BAGONG TOP OPM SONGS PARA SA PAG MOVE ON! CLICK!
2 Travelers with Comments. Click to comment!
Neat list! Nandito lahat ng inexpect ko except yung Aray ni Mae Rivera senti yun diba lol.
ReplyDeletenaisip ko rin actually pero parang napaisip ako hahahahahaha
ReplyDeleteFeel free to leave your thoughts!
Don't forget to click "SUBSCRIBE BY EMAIL" below the comment box to get notified if you received any replies from other commenters.