Celebrities: Philippines
Personal
Dear Kuya "Eagle" & His Response Through His Show, "Easy Lang Yan"
Friday, April 19, 2013TravelizteraDear Kuya Eagle,
Bata pa lang ako, paborito na kitang panoorin sa TV. Hanggang ngayon, kapag nakikita ako ng mga pinsan ko, binabanggit nila pagiging super fan ko dati, dahil witness sila sa pagiging biggest Eagle fan ko.
![]() |
SOURCE: Eagle's Facebook Page |
Tatlong taong gulang pa lamang siguro ako noon nang makita kita sa Teysi Ng Tahanan. May cooking portion ka noon kung tama ang pagkakaalala ko. Nagkaroon pa kayo ng special episode noon kung saan kailangan niyong gumawa ng drama episode. Hindi ako sigurado pero nandoon din ata si Eula Valdez. Basta nalungkot ako noong sinaksak ka ata... Hindi ko maalala... Hindi ko alam paano ka namatay, pero ang alam ko e isa itong krimen. Natrauma ako, promise. Affected ako sa pagkamatay mo sa episode na 'yun.
![]() |
"Teysi ng Tahanan" with Tessie Tomas SOURCE: TodoSaBongga |
Sinundan na kita simula noon hanggang dumating ang panahong kailangan ko nang pumasok sa paaralan, at ibig sabihin noon ay hindi na kita mapapanood sa TV, dahil tuwing umaga lang ang Teysi ng Tahanan. Syempre, masaya ako kapag bakasyon. Ibig sabihin, mapapanood ulit kita. Naalala ko pa noong nakita ako ng pinsan kong nakabakasyon sa amin na tumili ako noong nakita kita ulit sa Teysi ng Tahanan. Hindi niya makalimutan 'yun, kaya lagi niya akong tinatawag kapag nasa TV ka.
Ganoon naman talaga kasi ang fan 'di ba?
Ganoon naman talaga kasi ang fan 'di ba?
![]() |
Imaginin ang batang ito na super fan ni Eagle. Ang batang fan ni Eagle. 6-year old Steph. |
Laking tuwa ko nang napasama ka sa cast ng Mara Clara. Naalala ko pa noong kailangang ma-miss ko ang isang episode dahil umalis kami. Buti nalang at may TV doon sa office na tinambayan namin habang naghihintay sa kung ano man ang appointment noong mga oras na 'yun. Buo na naman ang araw ko. Masaya ako na nakita pa rin kita sa MOVIE version ng Mara Clara.
![]() |
Mara Clara! SOURCE: Wikipedia |
Tapos nakita ulit kita sa Mula Sa Puso. Grade two na ako noon pero ang saya ko pa rin!
![]() |
SOURCE: TV Series Craze |
Syempre, naaalala ko pa ang "Sang Linggo nAPO Sila". Ang show bago dumating ang MTB at Wowowee. At matagal kong hiniling na sana sa Baranggay naman namin kayo dumaan para sa Pidro Shirt na pinamimigay mo. Kaso hindi talaga kayo napapunta sa Baranggay namin. - sad face - Pero dumadaan ako lagi sa Pidro Shirt booth sa mga malls dati noong bata ako, kasi alam kong ineendorse mo 'yun...
![]() |
SOURCE: Wikipedia |
Matagal din kitang hindi nakita sa telebisyon. Hanggang sumaya na naman ako nang napanood ko ang Petrang Kabayo. Talagang kita ang laki ng ngiti ko. Sumunod pa nang pinanood ko ang Praybeyt Benjamin sa eroplano nang umuwi ako sa Pilipinas. Muntik na akong tumili nang makita kong nandun ka na naman! Pinanood ko rin ito pabalik dito sa Australia.
Alam ko pong nais niyo laging maglingkod sa mamamayang Pilipino. Kahit malayo na ako sa Pilipinas, sinusundan ko pa rin sa UNTV Web ang latest mong public service TV SHOW: Easy Lang Yan.
![]() |
SOURCE: Easy Lang Yan's Facebook Page |
Maraming salamat po sa pagpapasaya niyo sa amin!
Good luck and sana po more blessings pa sa inyo!
Nagmamahal,
Steph
P.S. Marinig ko lamang boses niyo, alam kong IKAW NA YUN KUYA EAGLE! hehehe!
---
---
Ayun lamang po. Gusto ko lamang ikwento sa inyo ang pagiging fan ko simula noong bata pa ako. Masaya ako sa mga narating ni Kuya Eagle... Proud na proud ako!!! =)
O nood na rin kayo para makita niyo bakit love na love ko si Kuya Eagle!
---
UPDATE:
Kuya Eagle read and replied to my letter on his show last Tuesday! :) Here is the video where he responded to my letter on last April 30's episode.
UPDATE:
Kuya Eagle read and replied to my letter on his show last Tuesday! :) Here is the video where he responded to my letter on last April 30's episode.