To all my foreign readers, this post is in Tagalog, so I am deeply sorry. However, may I introduce to you the wonderful Glentot of Wickedmouth.com ? He's amazing. He has a wicked mouth.
![]() |
I am so honoured to have met this famous star last October 2010. |
Basically, he is asking for a testimonial on his blog right now. I was planning on making a blog post about him (which I'm doing right now), but I almost made a long post as a comment to his BDAY entry there... So... I'll just use that and just add some bonus stuff. Muhahaha!
Friendster? Ikaw nagpauso non noh? Haha ! Anyway... HAPPY BDAY ulet glen! Marami akong gustong sabihin sayo...
Ang samahan natin... kakaiba e...
Suplado ka. SUPLADO! Hahahah SUPLADO na naging mabait. :P
Nakikita ko na si Glen na umaali-aligid sa mga blogs nina Jepoy and nadalaw ko na blog nya before. Natakot ako mag-leave ng comment ... Nakakatakot siya e. Parang... wicked. Pero nung nakita ko si Glen sa blog ni Kikilabotz, nagcomment siya at hindi ako sure kung sinabi niya na kamukha ko raw si Miley Cyrus pero basta may comment siya sa picture ko na naging dahilan upang magkaroon ng icebreaker. Dumalaw ulit ako sa blog ni Glen at nag iwan ng comment. Bumalik din siya sa blog ko pero yung mga comments niya e--SUPLADO. HAHAHA! :P Pero sa bagay, neutral nga naman kasi nung mga panahon na yon--serious blog pa ako kasi nga nasa weightloss process pa yung utak ko.
October 2010. Nagkataong may bloggers meet-up sa MOA at napakagaling ng tadhana dahil dun din punta namin ng mga pinsan ko galing airport. Sabog pa ako kasi buong gabi ako nag-edit nung Telephone nga na video ko na nilait-lait ninyo. :P Joke lang. Pero yun nga, literal 15mins lang ba tulog ko non (?) o kung tumagal man, medyo gising-tulog-gising pa rin. Tapos, napadaan ako kena Jepoy. Starstruck ako sa kanila pero eto...Hwaw. Nagulat ako nang nakita ko si Glen dun at laki ng tuwa ko na nakita ko siya. Kasi sikat nga siya e. STARSTRUCK me kasi ito ung sikat na SUPLADO nga. Tapos ... DI NIA AKO KINAKAUSAP. DI NAGSASALITA. Si Jepoy lang salita nang salita. Given naman na yun. Makita mo ba naman toh (CLICK MO PARA MAGULAT) syempre d ka na magugulat na madaldal si Jepoy. Sa sobrang daldal ni Jepoy, mukha na kaming The Buzz at naging audience si Kumagcow, Glentot, Oliver, Jag, Rico, at Xprosaic.
![]() |
Audience na audience. Kasama ko si JePoy Abunda. |
O tapos ayon nga. The following week, akalain mo yun??? Nung nagkakitaan kami ni Gasul at ang iba pang Generation Greenies, nagulat ako biglang may nakatinging supladong ngumingiti sa pila ng Coffee Bean habang naglalabas ako ng sama ng loob sa kasama kong nagngangalang si Chie. Bumubungisngis sa tabi. Parang may nilalang na nakatitig. Take note: HINDI SIYA AWARE NA ANDUN DIN SI GASUL HAHA KATAWA! Sabi ko pa kay Glen "Andito ka rin!? Bakit ka nandito!?" Hindi niya talaga alam na nandun si Gasul. Haha! Destiny. Ayun o!
Pagkatapos ng lahat ng iyon at pagkatapos na magkausap kami sa Twitter non--nakalimutan niya recently na magkatwitter pala kami. Galeng noh? Tapos nag-die down usapan namin until December came and naging mas close kami dahil sa chats naming malalem. Yung tipong pinaguusapan namin mga tao2x tulad ni Jepoy. O di ba? Haha. Namiss ko bigla!!! Ambilis pala ng panahon noh?
Tapos...magkatext kami niyan pag nasa byahe siya para sa Baguio escapades niya tapos pinag-uusapan lang namin si Jepoy. Mas nakakulitan ko siya nang maumpisahan namin ang TOP SECRET PROJECT namin. Ayown. At ngayon, close friend ko na siya.
I think kaya lang kami naging close e kasi nakita niya ang makulit kong side. Malayo sa tono ng blog ko. Pero alam niya naman 'yung kasaysayan ko sa pagba-blog. Makulit naman talaga kasi ako mag-blog. Kaso dati, may tema talaga tong blog ko. Pero salamat sa mga kakulitan ninyong lahat, medyo kumukulit na rin itong blog ko. Mukhang unang kalokohang blog ko nga eh tungkol sa kanya--at eto na ata yun. Muhahaha !
HAPPY BIRTHDAY GLENTOT! MABUHAY KA ! MAHAL KA NAMIN! :)
P.S. HINDI KO MAKAKALIMUTAN YUNG PAG-COMMENT NIYA SAKIN NG SOBRANG HABA!!! Chinallenge ko at tinanggap niya. Ayun... Sinagot niya isang post ko POINT PER POINT--basta ba ma-prove lang niya na hindi siya skipreader--SA POST LANG NA YUN. :P Hahaha! Joke lang. Ingat pre. Fan mo ako. :P
P.S. AGAIN Birthday Bash talaga. BASHED KARITO. :P
ANOTHER P.S. -- THE TOP SECRET PROJECT
I am proud to have collaborated with Glen on this song... I am honored that he chose me to sing this original composition by the man himself and his friends. The musical arrangement? GLEN HIMSELF AGAIN. Can you believe how talented this man can get?
This song, by the way, is dedicated to his friend, Caloi... I sang the song with that in mind...
Caloi, you are still remembered...