"I just twisted my ankle."
"I broke my leg."
"Ugh... My feet are swelling."
Ang arte. Haha. O sige... Para realistic...
"Ouuuuchieeee nehmehnnn... Napatid ako!!!"
"Yo duuuude... Nabalian ako!"
Arte pa rin. Minsan nag-iinarte. Basta! Kapag nagkaka-injury ka, kadalasan e bigatin ang dahilan. Tipong ang naiisip mo kapag nakakarinig ka ng ganyan e dahil masyadong magaling mag-basketball at lahat na ng moves eh ginamit o kaya nagka-angasan sa court (kaya super meltdown naman ang mga girlaloos at dagdag pogi points). O kaya naman eh masyadong nagpaka-bayani 'yung kaibigan mo na tinigil niya 'yung isang truck sa pagbunggo sa bagong kaklase ninyong babae gamit ang isang kamay niya (hindi si Edward Cullen ang sinasabi ko--chill ka lang kung obsessed ka na! Hindi magkakainjury 'yun! Masyadong powerful kuno raw siya e.). Pero paano kung biglang tinanong mo 'yung nadisgrasya tapos natahimik siya at medyo nag-isip nang matagal para lang mabigyan ka ng magandang action-packed na kwento para mabigyang hustisya naman 'yung "injury" niya?
Ay basta ako? Honest ako. Wala nang action-action-packed! Straight to the point. Magkukwento ako.
---
SCENARIO 1: MOUNTAIN HIKING (2004)
Highschool ako. Field trip namin eh mag mountain hike. O di ba... Syempre, talagang may risk for injury 'yan! May mga gumulong (hindi ko sasabihin sino--baka mabasa niya haha!), may mga nadapa, at may mga nadulas at nagka-"scratch"habang inaakyat ang mga madudulas at makikitid na daan paakyat ng bundok.
So ako... Umuwi ako ng namamaga ang paa dahil na-twist2x ko ang ankle ko like a pretzel.
Hulaan niyo bakit!!! Bibigyan ko kayo ng 1 minuto para mag-isip bago ko sabihin anong dahilan.
Ready na?
SAGOT:
5AM ang meet-up time sa gym ng school namin para sa Grand Mountain Hiking. Madilim-dilim pa. Oras na para sumakay sa bus. Pagbaba ko sa 2-step na stairs ng gym para makapunta sa bus parking, ayun... Bigla lang tumiklop 'yung right ankle ko. Bigla nalang. Magic daw. Haha. Pero seryoso, pagbaba ko lang ng isang step, boom! Tapos akala ko wala lang... Pero napansin ko na habang naglalakad ako, sumasakit lalo tapos namamaga na.
O di ba ? Napaka-detailed ng larawan galing sa Hughston.com ... :P |
MASAKIT SA FEELING!
HINDI KO MATANGGAP!
Imagine? Bago pa ako makasakay sa bus para sa Mountain Hiking na 'yan!? Nasa QUEZON CITY pa ako!? Magkakainjury na ako bago pa makapasok sa bus!?
O tapos nag-hiking na. Sobrang sakit na pero magaling ako umarte. Akala mo kung sinong hindi injured. Tapos kelangan naming umakyat sa isang malaking bato sa may waterfalls. Hindi ako nasuportahan ng right foot ko kaya naiimagine niyo ba 'yung nag-ko-crawl si Gollum sa taas ng bato tapos bigla nalang siyang nag-slide down in slow motion pa. GANUN! Para akong 'yung ipis sa CR niyo na gustong umakyat sa wall kaso nadulas pababa kasi may shampoo sa gusto kong akyatin.
Pagkauwi ko--WOAHHH! Anlaki-laki ng paa ko. Ayun... Napansin ng parents ko at binigyan ako ng treatment para gumaling agad.
---
SCENARIO 2: INTENSE WORKOUT (2011--KAGABI)
Ready na ako magworkout kagabi. As in! READY NA READY NA. Andyan na boxing gloves ko. Andyan na weights ko. Ganda ng get-up ko eh. ANGAS!
Warm-up time. Pag step out ko pa lang--TOINK. Slow motion. LEFT ANKLE ko tumiklop. HAHAHAHHAHA! Nainggit si LEFT ANKLE kay RIGHT ANKLE. Ayun, injury.
Ang hilig nila masyado sa aangas-angas 'yung gagawin pero bago pa gawin 'yung kaangas-angas na 'yun, magpapainjury.
Anyway, ayos naman na ako.
---
O yan a. Hindi ako nahiya. Kahit na extreme 'yung ginagawa ko, bago ko pa magawa 'yun, nainjure na ako. HAHA. Pero dahil matigas ulo ko, carry on pa rin. :P
O kayo? UMAMIN NA KAYO!!! :P
22 Travelers with Comments. Click to comment!
Ako aamin na! Pinupulikat na ako nung sabado pero tuloy pa rin ang trek wag lang maging KJ ehehehe :D
ReplyDeleteako? madami na kong katangahan na nangyari sakin.. hehehe, najan yung di pa naguumpisa maglaro ng basketball, nabali na yung daliri.. meron ding nanuntok tapos yung 4th & fith finger ko nagka-crack.. basta dami ba.. buti naman ok ka na.. yun ang mahalaga :)
ReplyDeletenapadaan lang haha ^_^
ReplyDeleteako madami nadin katangahan.. at hindi lang sa paa ako nagkaroon ng bali. pati sa siko, kamay, tuhod, balikat, tagiliran (ribs ko may injured na din) dahil sa nag feeling superman ako nung nag parkour kami.
buti at buhay pa ako till now ^_^
Parang nanibago ako sa tagalog mong post, steph! LOLOLOLOLOL ...
ReplyDeleteWag ka nang magkunwari, ikaw iyong gumulong pababa ng bundok!! :D:D:D:D:D:D
at least kahit papano gumagaling pa rin ang mga injury... ang masama pag d na gumaling pa..
ReplyDeletebkit nagtatagalog ka!? hahaha nakakabigla ka, anung meron ? hahaha pakiramdam ko ang post na ito ay patama sa isang tao. hahaha. wala lang. hula ko lang. hehehe. ^_^
ReplyDelete-kikilabotz
kung pwede lang talaga akong maging ganito.. nadapa na and suddenly the topic burst out... hahaha...
ReplyDeletemay mga kamalasan din tlga tau minsan sa buhay, dati nadapa ako una ung mukha sumubsob sa putikan nyahahah bad trip tlga!
ReplyDeleteEh pano wala pa akong tapilok moment? Haha. Sorry naman, ako na ang maingat.
ReplyDeleteouch!! sakit nyan ate! ako naman hindi ko pa naranasan na mabalian ng buto or mamaga yung paa although madalas ako matapilok (is that the right term? haha).. pero naranasan ko na maglock jaw at pulikatin..hahaha
ReplyDeleteSteph! Ramdam na ramdam ko ang pagka-madaldal mo sa post na ito! Hahaha! I like your new posts! Hindi tayo nagkakalayo hehehe... Ikaw na kasi ang sobrang excited sa mga extreme activities pero yung ankles mo ang ayaw kaya hinaharang ka haha... Gollum talaga! Hirap maimagine eh haha
ReplyDeleteKeep it up! (yung pagpopost, hindi yung pagtwist ng body parts LOL)
madalas din ako maganyan pag naglalaro ng basketball.. masakit yan...
ReplyDeletehello traviliztera ^^ visiting here kasi nafeature ka ni pareng bino ^^ anyway.. your pretty ^^ hope to see you in my blog po.. ^^
ReplyDeletegandang gabi ^^
notbuknilhan.blogspot.com
lifemeetshappiness.blogspot.com
hi ganda! tumabling dito! na injury ka?! ako din dami kong experience ng ka eng-enggan! ahaha! tas feeling ok p din kahit hindi na, wala lang nag fefeeling lang kaya tuloy bagsak double injury na!
ReplyDeleteHello, Steph! I saw your vids on youtube, you are so funny and cool! Where do you record your songs? Is it just at home, have you got your own home recording studio? I just noticed the professional mic you have, where did you get it? Anyway, tnx for sharing, I hope you get well soon! =)
ReplyDeletemadalas mangayari sa akin yan makaapak lang ako ng bato sa daan.Pero dahil madalas na sanay na ang paa ko magreact kaagad para di masyadong masakit. Pero pag di maganda ang bagsak napapaupo ako ng mga ilang minuto para makalakad ulit.
ReplyDeletesa tingin ko lang medyo may problema ang position apak ng paa natin kaya madalas ito. kaya ingat na lang sa inaapakan kasi yon lang ang solusyon.
Medyo life-threatening 'yung sa'kin e.
ReplyDeleteLumusot 'yung isang paa ko sa gap. Gap sa pagitan ng platform at nang MRT. Akala ko nga nu'ng pagkakataon na 'yun, mamamatay na ako sa isang freak accident. Idol lang, 'di ba?
ang kulit ng post.. ahaha pero masakit yung ganyan.. aminin ko narin, naranasan ko to nung magtrek kami sa Mt. Caniaw. Nahirapan ako bumaba nun.. tsk..tsk
ReplyDeletenice blog!!!
ReplyDeletexoxo jenna
http://thepetiteblog.blogspot.com
natawa ko dun sa intense workout..ganda ng get up..angas ng dating tapos biglang toink pag step out pa lang..hahahaha...ako marami na rin ganyan..hahaha...buti oks ka na ngayon..ingats ingats na lang next time...
ReplyDeletenatawa ko dun sa intense workout..ganda ng get up..angas ng dating tapos biglang toink pag step out pa lang..hahahaha...ako marami na rin ganyan..hahaha...buti oks ka na ngayon..ingats ingats na lang next time...
ReplyDeletedid you twist your ankle? xD sorry for wondering, i don't understand the language ^^''
ReplyDeleteanyway thanks for following me! xoxo, Monstros no Armário
Feel free to leave your thoughts!
Don't forget to click "SUBSCRIBE BY EMAIL" below the comment box to get notified if you received any replies from other commenters.